Meet & greet ng parentals ni Kian at Dugonggong, big deal sa mga trolls

Jeskelerd! Kailan kukunin ng liwanag, este maliliwanagan ang mga bayarang trolls na itey!

Knows ko nowhere to be found ang mga brains niyo, pero please lang, pakitanim sa pwedeng pagtaniman na walang political motive sa pagkamatay ng bagets na si Kian delos Santos!

Kung nakipagmeet man ang parentals ni Kian kay Dugonggong, at kung ginawa man nila ang symbolism na Duterte fist na yan, e choice nila yun!

Pero wititit mapipigilan ng mga kaechosan na yan ang mga nagsusumigaw ng justice para sa bagets na nachukchak sa drug war!

Wiz din macoconceal ng mga kababawan niyo na may mga abusadong pulis sa bansa at dapat managot ang mga pulis na suspect sa pagkakapatay kay Kian!

Tigil-tigilan niyo nga yang kashungahan niyo! May bentahan ng utak sa Quiapo! Buy 1 take 1! I-avail niyo na, nang maexperience niyong magkabrain kahit minsan! Tse!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *